ANG MYTH AND MURDERER NA PURE ENGLISH NI DARRYL YAP
Ayan na naman ang idea ng PURE ENGLISH ng mga eme. Bagaman, ayaw sana nating makisali sa usapan, nakakatakot na mareproduce ang ganitong kaoversimplistikuhan. I mean, hindi lang sa English kundi pati na rin sa anumang language, ang idea ng “pure” ay parehong MYTH at MURDERER (gaya ng pelikula niya).
Una, ANG PURE ENGLISH AY MYTH. Walang ganito, mars. Siguro ang tinutukoy mo ay ang "correct" or "standard" form of English, na madalas ginagamit bilang benchmark for grammatical correctness, spelling, and vocabulary usage na apaka kontra sa madla dahil ang klase ng Ingles na ito ay madalas na associated lamang sa dialect o variation ng English na sinasalita educated upper class, particularly in England and North America. Napakakolonial rin nito. Sa kaso ng Filipins, panahon pa lamang ng Monroe Survey Report (mga 1920s ito), nakita na na kaiba ang pag-ienglish ng mga Pinoy sa “prescribed American way” na itinuring pang “supposed handicap” (bagaman sa report, kinilala man papaanong ang kadiskartehan ng mga Pinoy na gumagamit ng ganitong English para makapasok sa US colleges and universities).
MURDERER ANG IDEA NG PURE ENGLISH kasi pinapatay, minumurder nito ang katotohana na ang English, kagaya ng marami pang languages, ay constantly evolving and influenced dahil sa patuloy na nagbabagong mga cultures, iba-ibang geography, umiinog na kasaysayan, at patuloy na paglago ng science at technology. Itong PURE ENGLISH NI DARRYL YAP ay pagmurder sa kasaysayan ng English na hinubog ng napakaraming influences, including Latin, Greek, Germanic, French, and more recently, global cultural trends and the internet. Baka ikagulat pa nang marami na kung titignan ang historical ancestry ng English, ang overall composition nito ay sinasabing 26% of Germanic roots. Kabilang sa mga wika ng Germanic Family ay ang Dutch, Frisian, Pennsylvania Dutch, Luxembourgish, Yiddish, Afrikaans, and of course German na sinasabing tanging wikang sinasalita lamang ng Diktador na si Hitler.
So, Yap: walang pure English eme. Kung meron man, katulad ng pelikula mo, Myth at Murderer iyan ng katotohanan, ng realidad na mas batayan ng pagbabash—kung wrong ang info mo, mali ang interpretasyong magegenerate, mali rin ang bungang argumento, paliado ang magiging representasion. Dito tiyak, kukuda ang masang nakakaunawa, mapaEnglish man, Tagalog, o Taglish eme.
Pero, hala sige, we can say na pwedeng tignan na pag-aalis ng access sa impormasyon o tamang pag-unawa sa madla ang paggamit ng pure English (na sinasabi mo), o kahit ng anong wika na hindi accessible sa lahat, sa madla, para hindi mabash o mapulahan.
Pero, bes, alam natin sa panahon ngayon ng Filipins kung sino ang gustong balewalain ang MTB-MLE at multilingual policy, at bumalik sa English at Filipino only (at mailayo, hindi maging accessible sa marami ang kaalaman, at mapipi sila).
Strategy rin kaya ito para hindi mabash?
eme.
Comments
Post a Comment