KALESA in my mind

 kanina sa empanadahan, hindi ko naiwasang makinig sa katabing nag-uusap tungkol sa kalesang muntik nang matumba dahil napaluhod raw sa kalye ang kabayo. 

una, sabi ko sa sarili ko, sa dami ng topic sa mundo, bakit iyon ang pinag-uusapan nila. 

sa patuloy na kuriosidad, naimagine ko yung kabayong napaluhod, at naalalang ibang beses rin akong nakakita ng ganoong pangyayaring bumigay sa pagod ang kabayo. ngayon pa namang higit na kapansin-pansin ang pagbalik ng mga kalesa sa kalsada ng Laoag. 

gaano nga ba kasi kaswak para sa mga kalesa ang mga kalye natin? suitable ba para sa mga kalesa ang traffic system natin (naalala kong minsan, may nasakyan akong tricycle na ang driver ay nangbulyaw ng cochero dahil ayaw maglakad ng kabayo niya). okey pa ba para sa well-being ng mga kabayo ang condition ng mga kalsada natin? o baka naman hindi kasali sa considerations natin ang animal well-being? 

may mga tala/literatura tungkol sa naging papel ng kalesa sa pag-usbong ng Laoag bilang siudad (well, tunog romantisasion na ito dahil talaga namang naging laganap bilang behikulo ang kalesa sa iba't ibang mga unang siudad sa Filipins) at bilang naging bahagi ng pang-araw-araw na kalakaran, maraming pagkakataon na ang kalesa ng Laoag, sa pamamagitan ng mga disenio nito, ay nagpapakita ng iba't ibang expresion at pagpapahayag ng identidad bilang Ilokano at Laoageño. At ang pagtatangkang pagpapabalik nito sa mga kalsada, ay katumbas rin ng layong pagpapatuloy ng praktis, expresion, at identidad. 

pero again, okey ba ang mga kalsada natin para sa mga kalesa? 

ang ganitong pagmumuni-muni, hindi lang  sa mga kalesa, kasama rito ang napakaraming 'traditional' na praktis na gusto raw panumbalikin, muling buhayin, ng ilan nang hindi nagtatanong kung naihanda ba ang komunidad at kapaligiran sa pagbabalik nito? 

sa umpisa, maaamaze sila, makikipagselfie, ipopost sa fb. 

pero later, lalamig ang paksa, mawawalan ulit ng interes ang ili, makalilimot na naman tayo. 

hay, ano ba. bumili lang naman ako ng empanada.



Comments