ON FESTIVALS, ON FESTIVALIZATION


Ang salitang "festival" ay mula sa salitang Latin na "festivus," na nangangahulugang masaya o maligaya. Historically, festivals were celebratory events na nagmamarka ng mahahalagang sandaling pangkomunidad, relihiyon, o seasonal, na madalas na may kasamang rituals, performances, and community participation.

At sa pagpasok nga ng May, nariyan na naman ang kabi-bilaang festival. Diumano, para daw sa culture eme ang mga ito na madalas, mukhang malabnaw na rason kung ikukumpara sa pagiging sweeping event ng mga ito para makaakit ng audience sa isang multi-day spectacle. Kaya lahat na lang ng activity kinabitan ng Festival. Ang mga festival na ito, gained popularity and have been commercialized and marketed to attract tourists, generate revenue, and boost local economies. Kaya naman sa paglipas ng panahon, ang gamit ng salitang "festival" ay kakikitaan ng paglawak upang sumaklaw sa isang malawak na hanay ng mga kaganapan at aktibidad, tulad ng mga music festival, film festival, food festival, art festival, at higit pa.

Festivalization kung baga. 

Sa kamay ng ilang hindi maalam kung paano ito balansehin, ang festivalization ng cultural activities can result in several interconnected issues.

Una, ang festivalization ay maaaring humantong sa pag-idealize at pagbuo ng mga kultura bilang mga objects of desire and consumption na exotic, ‘authentic’,  at karanasan na makapagpapatakas sa tao mula sa pang-araw-araw na stress at automaton na buhay. Ang isang festival ay maaaring maipackage at maifor sale bilang unique and transformative experiences, creating a sense of longing and aspiration among consumers who seek out these idealized cultural encounters.

Pangalawa, ang festivalization ay maaaring humantong sa objectification ng cultures, kung saan ang mga kultural na gawain ay narereduce bilang commodities that can be bought, sold, and consumed. It can further lead to commodification, kung kailan ang mga kultural na praktis ay iniangkop sa kahingian ng ekonomiya, komersio, audience, na madalas ay diborsiyado mula sa kanilang orihinal na panlipunan, historikal, at kultural na kontexto.

Third, maaari rin itong magresulta sa homogenization at standardisasyon ng cultural expressions. Upang matugunan ang gusto ng mass audience and generate profits, madalas na prinaprioritize ng hindi maalam na festival organizer ang popular or marketable cultural forms, marginalizing or excluding less commercialized or non-mainstream cultural expressions na maaaring magresult sa loss of cultural diversity.

Higit sa lahat, pwedeng iperpetuate ng festivalization ang power imbalances at inequalities sa mga cultural activities. Commercially-driven festivals are often organized and controlled by powerful actors, such as corporations, governments, or event organizers, na may kakayanang impluensiyahan ang naratiba at representasyon ng culture. Maaari itong maging sanhi ng marginalization and exploitation of local communities, traditional practitioners, or Indigenous communities, who may have little agency or control over the representation and commodification of their cultural heritage.

Bahagi na ng kasalukuyang sistema natin itong mga festival, at ako, e, bet ko rin naman ito. Siguro, crucial to approach itong pagsasa-festival ng mga cultures ng may cultural sensitivity, respect, and an understanding of the historical and contemporary contexts. Kasama rito ang pag-engage sa meaningful partnerships sa pagpaplano. Higit na mahalagang beyond the festival context, lagi sanang nariyang ang pagpapahalaga sa diverse cultural expressions of our communities—supporting them in revitalizing an maintaining their heritage ang pinakapantok sana ng festival.

Comments